Hindi ko alam kung bakit humaling na humaling ako sa pakikipag-usap ko sa'yo.
Mayroong mga ngiting namumutawi sa aking mga labi kapag kinakausap kita.
Nadadala kasi ako sa lambot ng iyong mga salita, at pagkamalumanay mong pagkikipagkwentuhan sa akin. Pinapagaan mo ang pakiramdam ko.
Para kasing napakabait mong tao, inosente. Wala kang inaalala sa buhay. Malalahanin ka pa.
Ewan ko ba, patay na patay din ako sa'yo.
Kapag nagtetext ka, hindi ko alam kung anong espirito ang sumasanib sa akin at parang tuwang-tuwa ako.
Kapag nakikita ko ang larawan mo, wala akong nagagawa kundi pagmasdan ang bawat linyang bumubuo sa hubog ng iyong mukha at katawan. Napapatunganga na lamang ako.
Ngunit mali, mali ang mga ginagawa kong 'yon.
Hindi kita dapat binibigyan ng espesyal na pagtingin.
Kailangan kong baguhin ang pagtingin ko sa iyo, baka tuluyan akong mapaibig sa iyo at masira ang kung ano mang mayroon tayo ngayon.
Kaibigan lang kita. Kaibigan.
Sapagkat, taliwas ang umibig sa isang kaibigan habang mayroon pa akong minamahal.
Ito'y isang kasalanan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento