abre los ojos

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

ticktock

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na immabitch. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na immabitch. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Agosto 24, 2008

nahihilo. nalilito.



isang maganda at bonggang-bonggang atake ng migraine ang gumising sa utak ko.


naisip ko, masyado akong nagpapakabusy at nagpapakapagod sa mga gawain sa iskwelahan. hindi ko na nabibigyang pansin ang panahon para sa aking sarilli.

ano nga ba'ng pinagkakaabalahan ko sa iskwelahan?
yung advertising principles and production subject ko lang naman, isa sa mga major subjects na kinukuha ko ngayong semestre. enjoy na enjoy ako masyado. lider-lideran ang role ko, pero hindi ko ginustong maging pinuno. wala lang magmamando ng grupo kung pare-pareho kaming tulala. kasama ko naman yung kaibigan ko sa grupo, kami yung nag-iinitiate ng mga ideya at mga konsepto. itinuturing ko namang lider ang lahat ng aking mga kagrupo.

napasama kasi kami sa top 12 sa nakaraang case nung prelims, bale pang-apat kami. kaya todo-todo ang preparasyon. pinepressure kami nung propesor namin, mataas ang expectations nya sa grupo namin.

pero may isyu sa likod ng lahat ng ito...

may mga bulong-bulungan na kaya lang daw kami nakasama (kasi halos lahat kaming magkakabarkada) sa top 12 ay dahil sa kakilala at kalapit namin yung propesor namin. MALI!
pero alam ng propesor namin ang isyung ito, naikwento kasi namin sa kanya. ang sabi lang nya, "may magagawa ba sila kung talaga namang magaling kayo? eh kung paborito ko kayo eh di dapat sunod-sunod kayo sa top 4. pero hindi eh."

naaapektuhan lang ako ng mga ganitong isyu. hindi naman namin ginusto ang ganun.
kapag papasok kami sa sillid, nananahimik ang lahat hanggang sa makaupo kami ng barkada ko. lalo na yung isang grupo dun na sobrang insecure ata sa amin. ganun na nga siguro, naiinsecure lang siguro sila. baka naman bitter lang sila. kung ano man yun, hayaan ko na lang.

isipin na lang namin na compliment yun, sabi nga yung isang kaibigan ko. ayaw lang namin talagang maapektuhan, kaya babaligtarin na lang namin ang pangkahulugan ng gusto nilang mangyari. mainggit sila kung maiinggit sila. basta ba malampasan nila ang kaya naming gawin.

hindi ako nagmamayabang o kung ano man. naiinis lang ako na hindi nila kayang lumaban ng patas, at kailangan pa nilang manghila pababa ng isang tao. ayoko talaga ng ganun.

kebskebs na lang siguro. keber.
ngiti na lang.

kailangan ko lang sigurong huminga. huminga ng sobrang lalim para mas maging maaliwalas ang buhay ko. pero papano ka ba naman makakahinga kung kokontrahin lang ng pag-ubo ang maayos kong pag-hinga? nakakainis kasi may ubo pa rin ako ngayon. nayayamot ako sa pabago-bagong klima. pero keri lang. hihinga pa rin ako. kailangan ko pa din ng kaunti pang espasyo para sa sarili ko.

ikaw? kumusta naman ang buhay mo?

Martes, Hulyo 15, 2008

argh

i effin hate it when you hear people declare themselves of something that they are not.
i get extremely pissed and intimidated by their audacity and arrogance.

"hey i'm sikat."
"hey i used to be this and that."

but yeah... hey, you know what? you're such a loser.

Lunes, Hunyo 16, 2008

power dressing!

gustong-gusto ko ang pagsusuot ng damit na may dating (na may arrive!). sapagkat nakakapagpadagdag ito ng kumpiyansa sa aking sarili. kapag komportable ako sa suot kong damit, pinagagaan nito ang aking damdamin at pinagmumukha ako nitong tao! hahaha. biro lang.

pero mayroong kakaibang pakiramdam kapag nagsusuot ka ng damit na magmumukha kang authoritative, di bale kung pang-porma ito o yung pangkaraniwang uniporme (para sa mga estudyanteng may uniporme sa eskwela) na ginagamit natin sa pangaraw-araw.
sabi ko nga sa kaibigan kong si Sharon kanina eh bitchy-bitchyhan ako. i looked like some corporate bitch ready for some hot leather action! biro lang din. imaginin mo ang straight-cut, flat front pants, nice fitting white polo, black leather shoes, black faux leather bag, and shades na naglalakad sa kalagitnaan ng walkway ng eskwelahan pagkababa ng bus.

wari bang sinasabi ko na:
"tumabi kayong lahat... dadaan ang pinakahayop na tao sa balat ng lupa." (evil laugh and grin)

pero seryoso, mayroong uplifting na pakiramdam kapag nagsusuot ka ng malulupit na damit. kaya ang payo ko lang sa inyo, isuot nyo lamang ang mga damit na komportable sa inyo. kahit ito pa ang pinakasimpleng pares ng damit na mayroon ka, magmumukha kang maharlika sa pagdadala ng iyong sarili - dahil nga komportable ka sa kung anong nakapulupot sa katawan mo. haha. naniniwala kasi ako sa kasabihang less is more na inadopt ni Ludwig Mies Van Der Rohe (isa sa nagpasiklab ng minimalism sa arkitektura). hindi ko sinasabing kakaunti lamang na tela ang isuot, ang sinabi ko ay yung simple lang.

sidestory lang: medyo lumalala na ata ang pagkahumaling ko sa leather. basta may kung anong kapangyarihan ang leather na magpaligaya at magpasaya. hahaha. itinuturing ko nang boyfriend ang aking mga balat na sapatos, wallet, pati yung faux o synthetic leather kong bagelya (bag). kasi hindi nila ako iiwanan kahit ano pa man ang mangyari. (kakaibang diversion ito Gee).

natutuwa ako sa sinulat kong ito. napakagaan at napakamakasarili. hehe. pagbigyan nyo na muna ako ngayon.


Linggo, Mayo 25, 2008

you're a prisoner

isn't it such a pity to see men being enslaved by sex?
it is these men that you'll find everywhere in the sleazy side of cyberspace.
you browse over their profile and all you can see is sex written all over it.
you don't always have to shout out to the whole world that you're horny.

i'm strongly against such display.
because sex is a private matter, and that nobody should kiss and tell.

it is a degradation of one's morality.

you can be sexual without posting such graphic display.
you can be sexual and subtle at the same time.

we are sexual beings.
but sometimes, we have to control ourselves, as to not get lost and be trapped in lust.

Martes, Mayo 20, 2008

this joke is so wicked you'd be offended

so when that joke about trisexual came...
"i'm trisexual, i would try anything sexual..." (sleazy i know!)

i thought, what about bisexuals?
"i'm bisexual, and i would buy anything sexual!" (that's sleaz-ier!)

i have nothing against bisexuals. i mean these guys go both ways, they do it with boys, they do it with girls. and that's how they are.

but when people pretend to be bisexuals to conceal themselves and lock themselves from the truth, then that's a different story.
these so-called 'bisexuals' are only interested with one thing... men. so, they shouldn't consider themselves bisexuals right? though they have this other consideration, a change of plan, when they get tired of being (rather playing) with men, they fly off to marry a woman. i find it really disturbing.
then there's this type of 'bisexual' who considers his past, past, past relationships with women. who now regularly dates men, and plans their future with them. still, they call themselves 'bisexuals'. odd.

whatever stupid movement this is in the Philippines, on replacing homosexuality with coining it or giving it an alias of bisexuality is preposterous. they may be the same, but they are entirely different.

these people who 'labels' themselves of such false sexual preference makes themselves look stupid.

Miyerkules, Mayo 14, 2008

mang-aagaw

unti-unting lumalayo ang loob mo. nawawala ang init ng pag-ibig na dati'y nagliliyab sa ating mga dibdib.

natanggap ka sa trabaho. dali-dali kang naghanap ng trabaho para mayroong panggastos para sa araw-araw mong pamumuhay. ginawa mo ito para makaipon at bago kumuha ng board exam para sa nursing.
ilang linggo din tayong hindi nakapag-usap dahil sinangla mo ang telefono mo, wala ka nang pangtustos dahil hindi ka sinusuportahan ng mga magulang mo.

sa panahong hindi tayo nakapag-usap. unti-unti ay nababawasan ang pagmamahal mo sa akin. nabaling ito sa kasamahan mo sa trabaho.

nakapagdiwang pa tayo ng ika-walong buwan natin ng pagsasama bilang magkasintahan. kinabukasan ay isiniwalat mo sa akin ang panliligaw ng iyong kasamahan sa trabaho at ang pagkawala ng iyong pag-ibig sa akin.

nagulat ako sa mga nalaman ko, sumugod ako sa iyong pinagtatrabahuhan, at doon hinintay kita kasabay ng iyong bagong kasintahan sa pag-uwi.
dinalhan kita ng mainit na kape na nasa malaking papel na baso. dinalhan din kita ng cake para sa naunsyaming pagkikita noong pagdiriwang ng ating ika-walong pagsasama.
tahimik akong nakaupo sa lobby ng inyong opisina nang makita ko ang inyong paglapit. tumayo ako at binati kita.

"kumusta? hindi mo ako inaasahan dito ano? sino yang katabi mo?"
"ah... eh... si... officemate ko nga pala."
"ah. okay. hello officemate!"
sya pala ang umagaw sa aking pinakamamahal...
dahan dahan kong inilapit ang kamay kong may hawak ng mainit na kape at ipinangkaway, hindi ko napansin na maluwang pala ang takip nito. humagis ito sa damit ng ex-boyfriend ko at sa kasama nito. halatang napaso ang dalawa. mabuti nga sa inyo mga putang ina ninyo, sabi ko sa isip ko.
"ay! pasensya na! sorry, sorry!"
at sumunod na nahulog ang cake sa kanilang mga sapatos dahil sa pagkabigla.
"hala! naku, sorry..."

tawang-tawa ako sa pangyayari. hindi ko aakalain na makikiayon sa akin ang tadhana.
sa totoo lang ay gustong-gusto kong sakalin hanggang sa mamatay ang dalawang yun.

iyon na siguro ang ganti para sa kawalanghiyaang ginawa sa akin ng mga gagong yun.

bakit nga ba hindi nanatili sa akin ang aking pinakamamahal? sinasabi nyang mahal nya ako pero parang nung mga panahong nagkatrabaho siya hanggang sa panahon na nagkawalay kami ay nabawasan ang kanyang pagtingin sa akin? samantalang medyo maayos pa naman kami nung kami ay magkita ilang linggo bago itong pangyayaring ito.
sinasabi nya na may mga pagkukulang ako sa kanya. ganuon din naman ang iniisip ko.
sinusubukan ko namang punan ang lahat ng aking pagkukulang sa kanya, ngunit sadyang kulang lang talaga ito para sa kanya.

sinamantala nung kaopisina niya ang kahinaan ng aking ex-boyfriend. kahit na alam nitong mayroon na syang kasintahan ay pilit pa rin ang panunuyo nito sa kanya. alam ito ng mga taong nakapaligid sa kanila. bakit ba naman sukat na patulan nitong ex-boyfriend ko ang gagong yun. sinasabihan naman ni ex-boyfriend na layuan sya nito pero hindi, nagpupumilit pa rin ang ulol.
oportunista ang mga taong kagaya nito, alam nilang mahina ang isang tao, nangugulila... pagkatapos ay pakikitaan ng magandang loob.

pinapili ko si ex-boyfriend. pero sinabi ko na din na mas makakabuti sa kanya kung sa kaopisina na sya sumama. dahil, mas may oras silang magsama kaysa sa amin, nagkikita sila parati. yun lang. mukha namang masaya si ex-boyfriend sa piling ng kanyang mang-aagaw na kaopisina.
sobrang wala lang talaga sigurong etiks at puso yung taong yun.

ewan ko na lang, pero hindi ko naman intensyon na maging mapait ang lahat ng aking nasusulat. hindi ko hangarin na maging ampalaya.
itong paglalahad na ito ay may halong fiction. huwag paniwalaan ang kabuuan.

Martes, Mayo 13, 2008

meanie

bakit may mga nilalang na ubod ng gaganda't gwapo?
pero hindi mo naman mawari kung 'san huhugutin ang talino.