isang maganda at bonggang-bonggang atake ng migraine ang gumising sa utak ko.
naisip ko, masyado akong nagpapakabusy at nagpapakapagod sa mga gawain sa iskwelahan. hindi ko na nabibigyang pansin ang panahon para sa aking sarilli.
ano nga ba'ng pinagkakaabalahan ko sa iskwelahan?
yung advertising principles and production subject ko lang naman, isa sa mga major subjects na kinukuha ko ngayong semestre. enjoy na enjoy ako masyado. lider-lideran ang role ko, pero hindi ko ginustong maging pinuno. wala lang magmamando ng grupo kung pare-pareho kaming tulala. kasama ko naman yung kaibigan ko sa grupo, kami yung nag-iinitiate ng mga ideya at mga konsepto. itinuturing ko namang lider ang lahat ng aking mga kagrupo.
napasama kasi kami sa top 12 sa nakaraang case nung prelims, bale pang-apat kami. kaya todo-todo ang preparasyon. pinepressure kami nung propesor namin, mataas ang expectations nya sa grupo namin.
pero may isyu sa likod ng lahat ng ito...
may mga bulong-bulungan na kaya lang daw kami nakasama (kasi halos lahat kaming magkakabarkada) sa top 12 ay dahil sa kakilala at kalapit namin yung propesor namin. MALI!
pero alam ng propesor namin ang isyung ito, naikwento kasi namin sa kanya. ang sabi lang nya, "may magagawa ba sila kung talaga namang magaling kayo? eh kung paborito ko kayo eh di dapat sunod-sunod kayo sa top 4. pero hindi eh."
naaapektuhan lang ako ng mga ganitong isyu. hindi naman namin ginusto ang ganun.
kapag papasok kami sa sillid, nananahimik ang lahat hanggang sa makaupo kami ng barkada ko. lalo na yung isang grupo dun na sobrang insecure ata sa amin. ganun na nga siguro, naiinsecure lang siguro sila. baka naman bitter lang sila. kung ano man yun, hayaan ko na lang.
isipin na lang namin na compliment yun, sabi nga yung isang kaibigan ko. ayaw lang namin talagang maapektuhan, kaya babaligtarin na lang namin ang pangkahulugan ng gusto nilang mangyari. mainggit sila kung maiinggit sila. basta ba malampasan nila ang kaya naming gawin.
hindi ako nagmamayabang o kung ano man. naiinis lang ako na hindi nila kayang lumaban ng patas, at kailangan pa nilang manghila pababa ng isang tao. ayoko talaga ng ganun.
kebskebs na lang siguro. keber.
ngiti na lang.
kailangan ko lang sigurong huminga. huminga ng sobrang lalim para mas maging maaliwalas ang buhay ko. pero papano ka ba naman makakahinga kung kokontrahin lang ng pag-ubo ang maayos kong pag-hinga? nakakainis kasi may ubo pa rin ako ngayon. nayayamot ako sa pabago-bagong klima. pero keri lang. hihinga pa rin ako. kailangan ko pa din ng kaunti pang espasyo para sa sarili ko.
ikaw? kumusta naman ang buhay mo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento