abre los ojos

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

ticktock

Lunes, Marso 31, 2008

lucky charm

Natatandaan ko, mga huling buwan na ng ikalawang semestre noon...

Nakasabay kita sa paglalakad papasok ng eskwelahan. Hindi pa nga kita napansin nu'n eh, nauuna ako sa paglalakad sa iyo nang tinawag mo ako.
"Uy, kumusta na?"
"Kuya, ikaw pala yan?", tanong ko. "Eto, papasok na, may exam pa ako eh, ikaw ba?"
"May inaayos pa ako eh, requirements para dun sa isang subject", wika niya.
"Ah, sige kuya goodluck na lang sa requirement mong yun. Congrats nga pala kasi gagrad ka na."
Napangiti ka na lamang at nagpasalamat.
"San ka nyan?", tanong mo.
"Dito ako sa building namin, ikaw ba?"
"Dito lang sa computer shop, tatapusin yung ginagawa ko. Sige, kita na lang tayo."
"Sige kuya, kita na lang tayo. Text text ha. Ingat.", panandaliang pamamaalam ko sa kanya.

Naala-ala ko, mayroon nga pala akong ibibigay sa kanya para sa kanyang pagtatapos. Dali-dali ko siyang tinext at sinabi na may ibibigay ako sa kanya sa susunod na magkita kami, surpresa na lamang kung ano yun, sabi ko sa kanya.
Dali-dali kong tinapos ang mga gagawin ko nung araw na iyon, kinahapunan ay nagmamadali naman akong pumunta sa mall upang bilhin ang pangregalo ko sa kanya. Naisip kong bigyan sya ng pitaka dahil napansin kong lagi na lang sabog-sabog ang pera nya noong kami'y nagkikita pa ng madalas. Hindi kasi sya gumagamit ng pitaka, sa bulsa nya lamang inilalagay ang kanyang pera. Naisipan ko rin na ibili sya ng lip balm, kasi palagi na lang nanunuyot ang kanyang mga labi at nagbibitak-bitak. Naroong dumugo pa nga ito nung kutkutin nya ang kanyang mga rosas na labi.
Pagkabili ay umuwi agad ako sa apartment na aking tinutuluyan upang ayusin ang mga regalo ko sa kanya. Sa isang maliit na paperbag ko iyon inilagay. Ang pitaka ay nilagyan ko ng limangdaan, pampaswerte. Sabi kasi ng nanay ko, masamang magbigay ng pitaka na walang laman. Ang lipbalm naman ay nilagyan ko ng sulat sa pakete nito.
"Kuya, gamitin mo 'to. Kasi palagi na lang tuyo ang labi mo. Baka dumugo na naman."
Pinagsama ko na lamang ang lipbalm at ang pitaka sa maliit na paperbag na iyon.

Kinabukasan...
Masaya akong gumising para pumasok. Nakangiti ako nang igayak ko ang mga gagamitin ko para sa araw na iyon. Inilagay ko ang paperbag katabi ng aking mga gamit para hindi ko ito makalimutan. Binalak ko na ilagay muna iyon sa locker namin sa school kung sakali man na hindi ko kaagad ito maibigay.

Nakangiti akong tumungo ng aming eskwelahan.
Pagkapasok ko sa trangkahan ng eskwelahan ay nagulat ako dahil nakasalubong kita. Galing ka naman ng registrar at ako'y papasok pa lamang. Napansin ko na medyo walang buhay ang mukha mo.
"Kuya, okay ka lang? Ba't parang malungkot ka?"
"Galing ako ng registrar, hindi daw ako makakamartsa, pero makakapagtapos naman ako. Kailangan ko lang talagang maipasa yung natitirang requirement."
"Ganuon ba kuya? Tapusin mo na yung requirement na sinasabi mo para at least makuha mo yung diploma mo, hindi ba?"
"Oo naman. Makukuha ko yung diploma ko."

Agad kong naalala ang regalong dala-dala para sa iyo.
"Kuya, eto nga pala oh. Regalo ko para sa graduation mo. Sorry ha, hindi ko naman kasi alam na ganyan ang sitwasyon. Pero alam ko naman na makakatapos ka."
"Thank you ha."
"Ngiti ka lang kuya."
Sabay alis sa kinalalagyan natin. "Kuya, late na ako eh. Kita na lang tayo. Sige kuya."
Nagmamadali akong tumungo sa building namin. Hindi ko man lang pinansin ang reaksyon mo nung binigay ko sa'yo yung regalo. Naisip ko na itext ka na lamang at yayain na magkape, para makapag-usap.
"Sige, text kita kung kelan tayo pwede magkape ha. Salamat nga pala sa regalo mo" sagot ni kuya.
Walang mapagsidlan ang nag-uumapaw na ligaya na nadarama ko noon. Napakasaya ko noon. Halos buong linggo ko'ng pinag-isipan at pinagplanuhan ang mga mangyayari sa pag-uusap natin.

Isang linggo din ang lumipas mula nung huli tayong magkita, nagtext ka at sinabi mong magkikita tayo sa Miyerkules ng linggong yun. Galak na naman ang namuo sa aking kalooban.

Nagkita tayo sa Seattle's Best para magkape, nilibre mo pa nga ako eh. Tuwang-tuwa ako noon. Masaya akong pinagmamasdan ang makisig mong mukha. Masaya akong nakakausap ka ulit ng harap-harapan noon. Kinumusta ko ang paglalakad ng requirements mo para sa pagtatapos mo. Sinabi mo na makukuha mo naman ang diploma mo, ngunit hindi ka makakamartsa. Okay na yun, at least nakapagtapos ka. Nasabi mo din sa akin nun na nakapag-apply ka na ng trabaho at wala pang ni isa ang tumatawag para kumpirmahin ang iyong interview sa kanila. Napansin kong medyo nag-aalala ka nun, ipinalangin ko naman na sana'y may kumuha na sa iyong kumpanya. Nang matapos tayong magkape...
"Samahan mo nga pala ako magpaprint ng papers ng bestfriend ko, meron kasing piso kada print dun malapit sa school natin eh.", sabi mo.
"Sige ba, okay lang sa kin."
Pagkatapos magpaprint ay sabay nating nilakad ang daan pabalik ng mall.
"Idadaan ko pa 'to sa UP eh, hinihintay na kasi 'toh."
"Ganun ba? Saan daan mo nyan kuya?"
"Sasakay ako ng PHILCOA. Ikaw ba?"
"Pa-España ako, babalik pa akong apartment. Mag-eempake pa kasi ako."
"Ah, sige, sabay na tayo."
Dumaan ulit tayo ng mall at pumasok doon, para diretso na sa sakayan ng jeep malapit sa labasan ng mall, sa may city hall.
Papalabas na tayo ng mall noon...
"Sandali lang, may nagtext sa 'kin.", sabi mo.
"Ah, sige lang kuya."
"Nagtext na yung company sa 'kin, may schedule na ako ng interview.", tuwang-tuwa mong sinabi sa akin.
"Wow, galingan mo kuya. Sana matanggap ka agad dun. Pero, nakakatawa naman, kanina lang eh pinag-uusapan natin yan at pinuproblema mo pa. Buti na lang."
"Oo nga eh, lucky charm ata kita.", sabi mo.
"Hindi naman kuya.", wika ko sa kanya habang nakangiti. Kasalukuyan naming tinatawid ang pedestrian lane papunta ng city hall noon. Sa loob-loob ko, "Nakakatuwa naman, lucky charm daw nya ako." Hindi mabura sa isip ko ang mga sinabi mong yun, na sa tingin ko ay biro lamang para sa iyo.
Naghihintay tayo ng masasakyan noon, sinabi mo na gusto mong maghilamos kasi malagkit na ang mukha mo. Wala naman akong naging reaksyon. Gwapong-gwapo ka pa rin para sa akin nun. Dumating ang jeep. Sumakay tayo. Magkatabi sa byahe.
Papalapit na ako sa bababaan ko. Inisip ko na patuluyin ka muna sa apartment para makapaghilamos. Trapik din naman kasi sa España noon. Nagdadalawang-isip ako... "Huwag na lang, nagmamadali din sya. Kailangan na maibigay yung thesis ng bestfriend nya."
Tiyempong huminto ang jeep sa kalsadang dadaanan ko papunta ng apartment. Sa tapat yun ng pinakamatandang unibersidad sa Asya.
"Sige kuya, dito na lang ako. Ingat ka ha. Text mo na lang ako.", sabi ko kay kuya. "Sandali lang po ma." At bumaba na ako sa jeep. Lumingon ako't kumaway sa kanya.

May natitira pang ngiti habang naglalakad ako patungo ng apartment. Masaya.
Agad akong nag-empake pagkadating ko sa apartment, inayos ang mga bagay na iuuwi sa probinsya. Lilisanin na kasi namin yung apartment na yun. Inisip ko na din na umuwi sa amin sa probinsya at kukunin na lamang namin ang mga gamit pagbalik ko doon. Naghilamos ako at nag-ayos ng aking sarili bago lumisan patungo ng istasyon ng bus. Naisip ko, pa'no kaya kung pinatuloy ko muna sya para makapaghilamos? Hindi naman siguro gusto nun na pumunta dito sa apartment naming bulok. Napangiti na lang ako.
Nagsara ako ng mga bintana, nagpatay ng ilaw, at nagkandado ng pinto. Nilisan ko ang apartment na 'yon na may magandang alaala - ang huling pagkikita namin ni kuya.

3 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nice. Okey ka palang magsulat e. Magtagalog ka pa ng mas madalas para masaya. :)

blackdarkheart ayon kay ...

grabe ang cute naman ng nangyari. ang sweet mo palang tao no? maaalalahin(nosebleed sa ispelling!)

have a nice life in the province and wherever you may go!!!

vampire angelus ayon kay ...

apparently. may boyfriend sya nung time na 'yun. at, at, at... super crush ko sya. hahaha!

dun sa hindi nagpakilala: parang kilala kita. hehe. ^_^ salamat sa iyong puna. susubukan kong maglathala ng mas maraming blog na tagalog.

blackdarkheart: salamat sa pagpuna mo ng aking bagong entry. cute nga pero heartbroken pa rin. pinaasa ako nitong taong 'to dati eh. hahaha. hindi lang ako pangprobinsya noh. madalas din naman ako sa Maynila. hehe.