abre los ojos

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

ticktock

Linggo, Abril 06, 2008

Ang paggunita sa multo ng nakalipas

Online ako. Naghahanap ng mga bagong taong makakausap.
Nang makita ko ang profile mo na sumipot kung saan.

Ikaw.
Na may maamong mukha. Nakakapasong mga tingin at nakakatakam na mga labi.
Ikaw.
Na may matatamis na ngiti at nakakahawang mga tawa.
Ikaw.
Na kauna-unahan kong minahal ng tapat.
Ikaw.
Ay kahapon na.

Halos gawin kong kanto ang Olongapo para sa'yo.
Halos ipahamak ko ang sarili ko para sa'yo.
Pero nauwi lang sa wala.
Nakakatawang mga alaala.

Isa ka na lamang multo sa aking nakaraan.

Ngunit sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako sa iyo.
Pinatapang ako ng mga nasawing pangako mo.
Pinaharap sa kinabukasang may pag-asa para sa totoong pagmamahal.
Pinangiti sa kabila ng pagpapaluha.
Tinatanaw ko iyong malaking utang na loob sa iyo. Salamat.

Walang komento: