ngarag akong pumasok sa eskwela ngayon. walang tulog at walang matinong kain. sumakit ang ulo ko, parang binibiyak ito sa gitna at wari bang sasabog ang utak ko. salamat sa prod namin kaya nagkakaganito kami, pero enjoy pa rin naman kahit papano. medyo sumasakit nga lang ang ulo namin ng dahil sa patayong kabaong na yan.
oh well papel. ayun nga, kumain muna kami pagkatapos nung essay namin. tutal, sobrang gutom na rin naman kami at medyo boring yung class na susunod - ang social psychology. ang boring kasi nung prof. lagi nga kaming nagpapalate dun kasi kumakain muna kami. wala po kasi kaming break kapag tth, tuloy-tuloy ang klase namin.
kaya dumeretso kami sa canteen, kumain ng sandamakmak na pagkain, kwentuhan ng saglit tapos diretso ng klase. isip-isip namin... "naku, eto na naman tayo sa boring na subject na ito..."
sumilip kami sa bintana, ibang prof yung nakita namin.
"dito ba tayo mga friends?"
"oo, dito tayo, ano ba. pero ba't iba yung prof?"
nahiya kaming pumasok sa aming silid. dali-daling umupo sa aming upuan at tumingala sa professor...
"sir, kayo na po ba ang bago naming prof?"
"yes."
"sir... wag na kayo aalis ha..." sabay tawanan.
grabe, nalaglag talaga brip ng sangkabaklaan sa room kanina. pati mga babae sobrang laglag ang mga panga, halos sumayad na sa sahig. syempre, pati ako, instant crush ko na itong si sir. eh mas bata sa akin. at super may itsura sya ha.
ang saya, super landian galore kanina.
oh well, tuesday and thursday evenings will never be the same again. ^_^
1 komento:
atleast ngayon, you have more reasons para pumasok... hehehe
Mag-post ng isang Komento