abre los ojos

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

ticktock

Miyerkules, Hunyo 25, 2008

meron lang betamax

sabi sa kanta ng sandwich na betamax.

natutuwa ako sa kantang yon. naaalala ko ang kahapon, nung musmos pa lamang ako't walang masyadong alam sa mundo kundi ang mag-laro. naging pamilyar sa akin sina pepe smith, si mike hanopol, ang vst, ang sampaguita, ang apo hiking society, si francis magalona, freddie aguilar at iba pang mga importanteng tao sa larangan ng musikang Pilipino.
kinakanta ko noon ang mga kanta nila nung bata pa ako. kahit na hindi ko masyadong iniintindi ang pangkahulugan ng mga letra sa kanilang musika ay natutunan ko itong sabayan. naalala ko nung isang beses na kinanta namin nung mga kalaro ko ang nosi ba lasi at laki sa layaw. nakakatuwang mga alaala.

gusto ko din yung bidyong ginawa nila para sa betamax. isa pa ding paalala ng kahapon. oo, nilaro namin nung mga kalaro ko yung ibang mga laro doon, maliban sa syato. hindi ako masyadong pamilyar doon. namimiss ko ang paglalaro ng piko, ng patintero, ng habulan taya, ng chinese garter, ng teks, ng holen, ng sipa, ng tago-taguan... nakakapanghinayang nga lang isipin na mangilan-ngilan na lang ang mga batang nakakaalam ng mga larong 'yon. dahil lahat sila ay nalunod na sa makabagong teknolohiya at makabagong pamumuhay.

mabalik tayo dun sa kanta... medyo nakikita nga lang ang pagiging third world ng Pilipinas. bakit? kasi nung panahong yun ng 'betamax' eh unti-unti nang nadedebelop ang internet mula sa telegraph ng amerika, at ang komunikasyon sa isa't-isa ay nagiging mas madali sa pamamagitan ng cellphone mula sa simpleng ideya ng telepono na ninakaw daw diumano ni Graham Bell kay Elisha Gray.

pero hindi naman talaga ito ang gustong ipahiwatig nung betamax. nais lamang nitong ipaabot sa lahat ang kahalagahan ng mga nag-ambag sa pag-angat ng orihinal na musikang Pilipino. isipin mo na lang kung gaano kahirap bumuo ng isang awitin na may orihinal na letra, kung gaano kahirap ipaabot ang iyong musika sa mga tumatangkilik nito sa kakaunting mga midyum ng pagbrodkast. tapos ngayon, kung kailan madali na ang pagsasalathala at pagbobrodkast ng kanta, ay sya namang unti-unting pagpatay ng orihinal na paggawa ng musika.

kailangan nating ipagpatuloy ang sinimulang legacy ng mga dakilang mang-aawit ng ating panahon. yakapin natin ang musika at pamumuhay na patuloy na humuhubog sa kultura nating mga Pilipino. huwag natin itong ibaon sa limot. tangkilikin ang musikang Pilipino.

ipagpatuloy ang daloy ng alon.
betamax ng sandwich

Walang komento: