abre los ojos

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

ticktock

Miyerkules, Mayo 14, 2008

mang-aagaw

unti-unting lumalayo ang loob mo. nawawala ang init ng pag-ibig na dati'y nagliliyab sa ating mga dibdib.

natanggap ka sa trabaho. dali-dali kang naghanap ng trabaho para mayroong panggastos para sa araw-araw mong pamumuhay. ginawa mo ito para makaipon at bago kumuha ng board exam para sa nursing.
ilang linggo din tayong hindi nakapag-usap dahil sinangla mo ang telefono mo, wala ka nang pangtustos dahil hindi ka sinusuportahan ng mga magulang mo.

sa panahong hindi tayo nakapag-usap. unti-unti ay nababawasan ang pagmamahal mo sa akin. nabaling ito sa kasamahan mo sa trabaho.

nakapagdiwang pa tayo ng ika-walong buwan natin ng pagsasama bilang magkasintahan. kinabukasan ay isiniwalat mo sa akin ang panliligaw ng iyong kasamahan sa trabaho at ang pagkawala ng iyong pag-ibig sa akin.

nagulat ako sa mga nalaman ko, sumugod ako sa iyong pinagtatrabahuhan, at doon hinintay kita kasabay ng iyong bagong kasintahan sa pag-uwi.
dinalhan kita ng mainit na kape na nasa malaking papel na baso. dinalhan din kita ng cake para sa naunsyaming pagkikita noong pagdiriwang ng ating ika-walong pagsasama.
tahimik akong nakaupo sa lobby ng inyong opisina nang makita ko ang inyong paglapit. tumayo ako at binati kita.

"kumusta? hindi mo ako inaasahan dito ano? sino yang katabi mo?"
"ah... eh... si... officemate ko nga pala."
"ah. okay. hello officemate!"
sya pala ang umagaw sa aking pinakamamahal...
dahan dahan kong inilapit ang kamay kong may hawak ng mainit na kape at ipinangkaway, hindi ko napansin na maluwang pala ang takip nito. humagis ito sa damit ng ex-boyfriend ko at sa kasama nito. halatang napaso ang dalawa. mabuti nga sa inyo mga putang ina ninyo, sabi ko sa isip ko.
"ay! pasensya na! sorry, sorry!"
at sumunod na nahulog ang cake sa kanilang mga sapatos dahil sa pagkabigla.
"hala! naku, sorry..."

tawang-tawa ako sa pangyayari. hindi ko aakalain na makikiayon sa akin ang tadhana.
sa totoo lang ay gustong-gusto kong sakalin hanggang sa mamatay ang dalawang yun.

iyon na siguro ang ganti para sa kawalanghiyaang ginawa sa akin ng mga gagong yun.

bakit nga ba hindi nanatili sa akin ang aking pinakamamahal? sinasabi nyang mahal nya ako pero parang nung mga panahong nagkatrabaho siya hanggang sa panahon na nagkawalay kami ay nabawasan ang kanyang pagtingin sa akin? samantalang medyo maayos pa naman kami nung kami ay magkita ilang linggo bago itong pangyayaring ito.
sinasabi nya na may mga pagkukulang ako sa kanya. ganuon din naman ang iniisip ko.
sinusubukan ko namang punan ang lahat ng aking pagkukulang sa kanya, ngunit sadyang kulang lang talaga ito para sa kanya.

sinamantala nung kaopisina niya ang kahinaan ng aking ex-boyfriend. kahit na alam nitong mayroon na syang kasintahan ay pilit pa rin ang panunuyo nito sa kanya. alam ito ng mga taong nakapaligid sa kanila. bakit ba naman sukat na patulan nitong ex-boyfriend ko ang gagong yun. sinasabihan naman ni ex-boyfriend na layuan sya nito pero hindi, nagpupumilit pa rin ang ulol.
oportunista ang mga taong kagaya nito, alam nilang mahina ang isang tao, nangugulila... pagkatapos ay pakikitaan ng magandang loob.

pinapili ko si ex-boyfriend. pero sinabi ko na din na mas makakabuti sa kanya kung sa kaopisina na sya sumama. dahil, mas may oras silang magsama kaysa sa amin, nagkikita sila parati. yun lang. mukha namang masaya si ex-boyfriend sa piling ng kanyang mang-aagaw na kaopisina.
sobrang wala lang talaga sigurong etiks at puso yung taong yun.

ewan ko na lang, pero hindi ko naman intensyon na maging mapait ang lahat ng aking nasusulat. hindi ko hangarin na maging ampalaya.
itong paglalahad na ito ay may halong fiction. huwag paniwalaan ang kabuuan.

3 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Sobrang nakakapagtaka talaga na posibleng mawala na lang bigla yung pagmamahal ng isang tao na wala namang konkretong dahilan. Kung sa ganon lang din naman nag-umpisa yung relasyon nila, wala yung magandang patutunguhan.

Naalala ko yung entry mong "Kasalanan." He doesn't deserve you, really.

vampire angelus ayon kay ...

Umpisa pa lang, nung maramdaman ko na iba ang pagtingin ko sa kaibigan kong yun sa "Kasalanan", eh sinikap kong ilayo ang pagtingin ko sa kanya. At nagawa ko naman yun, bago pa man ako tuluyang umibig sa kaibigan ko. Masasabi ko sa ngayon na hindi na ako interesado sa kanya dahil sa mga rasong nakita ko.
Gumana siguro ang gulong ng karma, pero hindi yun sapat na dahilan para parusahan ako dahil naiwasto ko naman ang aking sarili bago pa man itong mga pangyayaring ito.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Aw. Buti na lang at nakita mo agad yung mga bagay na hindi mo ikinatuwa tungkol sa kanya. Nakatulong din na mawala yung interes mo. Pero yung ideya na natakot kang mahulog sa kanya sa kadahilanang meron kang kasintahan e hindi matutumbasan. Napakabuti mong tao, Niko Angelo.