Kasalukuyan akong nagpapakasaya sa nalalabing mga araw ng aking klase ngayong summer.
Masaya ako sa mga kinuha kong mga subjects. Nag Espanyol ako, nag Editorial and Column writing, tsaka PE. Sunod-sunod ang mga klase ko, kaya walang pahinga.
Bakit nga ba ako kumuha ng mga klase ngayong summer? Kasi, ayokong maburo sa bahay dahil walang ginagawa at magagawa.. Ayoko ding mabobo ng dahil sa bakasyon, kaya dapat palaging may ginagawa, binabasa at iniisip para mapanatiling aktiv ang ating isip. Na-iistuck kasi ang isipan natin kapag nanatili itong idle.
Kumuha ako ng Espanyol kasi interesado talaga akong matuto ng ibang lenggwahe. Lalo na ang Espanyol kasi yung iba naming kamag-anakan ay marunong magsalita nito. Naalala ko kasi yung kwento ng nanay ko na ang nasirang lolo ko ay marunong mag Espanyol, tinuruan pa nga nila ako noon kapag nagtatanong ang lolo ko ng oras na kung ano dapat ang isasagot ko.
Wag kayong umasa na bihasa na ako sa Espanyol, Elementary Spanish lang yun, meron pang advanced Spanish. Pero, masayang masaya ako sa klase kong yun. Kahit na dumudugo na ang mga ilong namin kapag nagsasalin na kami ng mga pangungusap sa Ingles pa-Espanyol, at Espanyol pa-Ingles, at kapag nakikipag-usap sa amin ang aming guro sa wikang Espanyol.
Kumuha din ako ng Editorial and Column writing. Major subject namin ito, kaya super saya. Magsusulat kami, makikipagkulitan sa guro naming ubod ng kulit. Tawa kami ng tawa dun, sobrang aliw na aliw kami sa kaguluhan namin sa silid. Kakaunti lang kasi kami sa klase, tutorial section kasi kagaya nung sa klase ko sa Espanyol.
Pero siyempre, hindi mawawala ang pagsusulat. Malaking bahagi ng subject na ito ang pagsusulat at enjoy ako dun. Kahit na minsan ay nabablanko ang isip ko. Mahirap magsulat at humugot ng isang paksa. Mahirap kumuha ng naaangkop na mga salita para mabigyang buhay ang iyong sinusulat. Pero yun ang kaligayahan at pagsubok dun.
Nag-PE naman ako para mabawas-bawasan ang mga taba ko sa katawan. Duon ko lamang naramdaman ang saya ng pagpapapawis... dahil sa paglalaro ng badminton. Ito rin ang oras na nagsisilbi para makihalubilo ako sa mga estudyante ng ibang kurso at sa mga cross enrollee. Masaya naman silang kalaro. ^_^
Masaya ako sa eskwelahan, ito na ata ang pinakamasayang klase sa tag-init na pinasukan ko.

2 komento:
wow, napakasipag na mag aaral naman ito
gusto ko lamang maging mas productive.
Mag-post ng isang Komento