Bakit nga ba madalas na ang paggamit ko ng wikang Filipino sa pagsusulat at paglathala ng blog ko?
Naisip ko lang kung may kakayanan ba ako sa pagsusulat ng Filipino. Wala kasi akong ideya kung may ibubuga ako sa pagsusulat sa wika natin, gayundin naman sa Ingles. Pero, inaamin ko at ipinagdidiinan ko na hindi ako magaling sa Filipino. Ginagamit ko lamang ang mga salitang alam ko sa Filipino, nahihirapan akong magsalin ng mga salita mula Ingles sa Filipino. Kaya sinisikap kong kilalanin muli ang ating wika.
Nabigyang inspirasyon ako ng iba kong mga nababasang mga blogs, gaya nung kay Andrew.
Isa pang rason ay dahil sa aking profesor o guro sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik - Si Ginoong Jeremillios. Napamangha niya ako sa tatas ng kanyang pakikipag-usap sa kanyang mag-aaral sa wikang Filipino. Nakita ko din ang dedikasyon sa kanyang pagtuturo ng wikang Filipino. Ipinakita niya sa amin ang mga suliranin na kinakaharap ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon.
Akala ko noon ay ganuon na laman kadali ang pag-aaral ng ating wika, hindi pala. Mayroon din pala itong mga suliranin na kinakaharap.
Si Ginoong Jeremillos, na aking guro sa wika, ay nagmamaneho ng pampasadang fx. Bukod ito sa kanyang pagtuturo. Ginagawa niya ito para matustusan ang kaniyang pangaraw-araw na gastusin. Oo, masasabi natin na isa siyang masipag na tao. At dahil do'n, saludo ako sa kanya.
Nalaman ko na isa sa suliranin ng wika ay ang pinaplanong pagpapasatupad ng batas na magpapalawig ng pagtuturo ng Ingles bilang pangalawang wika. Sinasabi doon na mas pahahabain ang oras ng pagtuturo Ingles. Parang ganito ang mangyayari, mabibigyan ng isa't kalahating oras ang kursong Ingles sa mga matataas na paaralan at ang Filipino ay mabibigyan lamang ng tatlumpu hanggang apatnapu't limang minuto lamang.
Hindi ako sang-ayon sa ganuong patakaran kahit na ako'y nasasa kolehiyo na. Marapat lamang na pantay ang oras ng pagtuturo ng parehong kurso. Dahilan kasi ng mga nagsagawa ng batas na iyon na masyado na ang pagbaba ng rating mga mag-aaral sa kursong Ingles. Humihina na daw masyado ang kaalaman nila dito lalo na sa pampublikong paaralan.
Dapat na bigyan pa din ng pansin ang ating pangunahing wika, dapat pantay pa rin at sapat ang mga oras na ilalaan sa pagtuturo nito. Naniniwala ako na kung mahina ang pundasyon sa pagtuturo ng pangunahing wika, mas mahihirapan ang mga nag-aaral ng pangalawang wika na intindihin sa dahilan nga na mahina ang pagkakaintindi nila sa pangunahing wika. Kumbaga, salitan lang ang pagpapalit at pagsasalin ng kaalaman sa parehong wika. Pareho lamang ang mga tuntunin sa paggawa ng isang pangungusap sa Filipino pati sa Ingles, pareho lamang din ang mga tuntunin sa gramatiko ng Filipino at Ingles. Kaya't hindi ako naniniwalang makakabuti ang ganuong batas sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pangalawang wika.
Hindi pa nga natin masasabing pangalawang wika ang Ingles, sapagkat, meron din naman tayong iba't-ibang dyalekto sa ating kanya-kanyang probinsya gaya ng Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Bikolano, Sebuano, Waray at Hiligaynon. Kung gayon, maituturing na lamang natin na pangatlo o pang-apat na wika ang Ingles depende sa dami ng dyalekto sa Pilipinas ang kaya nating magamit.
Mas gugustuhin ko pa na magkaroon ng kursong elektiv na kung saan ay matututunan namin ang iba't-ibang dyalekto ng ating bansang Pilipinas, bukod sa banyagang mga wika na kailangan naming kunin (sa aming kurso kinakailangan na kumuha kami ng Spanish o kaya Nihonggo) sa kolehiyo o kaya sa mataas na paaralan.
Natuwa nga pala ako nung malaman ko na ang wikang Filipino ay wikang buhay, sa kadahilanang ito ay patuloy sa pag-usbong.
Kaya't hinihikayat ko kayong gamitin pa ng mas madalas ang ating wikang pambansa, ang wikang Filipino. Makakatulong ito sa pagpapalawak ng ating kaalaman sa marami pang mga wika bukod sa Ingles.

2 komento:

Oo. At huwag natin gawin Latin ang Filipino na mababasa lang sa libro pero hindi naman ginagamit sa daily conversations.
Grabeee! Masyado akong naligayahan sa entry na 'to sa maraming dahilan. Una, dahil nabanggit mo ko. Haha. Sobrang touched ako pramis. Salamat. =) Pangalawa, dahil may karamay na ko sa paghihikayat sa mga tao na mas bigyang pansin ang sarili nating wika. Pero the best talaga yung unang rason e. Hahaha.
Nga pala, hindi mo dapat pagdudahan yung kakayahan mo sa pagsusulat ng Filipino dahil magaling ka. Yung iba kong mga kaibigan na sanay na sanay mag-ingles sinusubukan nilang magsulat sa Filipino pero parang awkward pakinggan. Hehe. Yung sayo ayos na ayos naman. Ipagpatuloy lang natin 'to!
Mag-post ng isang Komento