LARO
Akala ko'y mararating ko na ang rurok ng pagmamahal,
at makakamtan na ang seguridad at kaligayahan,
ngunit sa likod ng aming isipan may pag-aalinlangan,
nararamdaman sa isa't-isa'y pa'no matutugunan.
Kung sa pakiwari mo sa kanya'y laro lang ang lahat,
hindi gaanong maramdaman kung pag-ibig nya'y sapat,
ang pansamantalang tamis ng halik, init ng yakap,
at sa isang iglap, napalitan ka't nawala ang lahat.
Talaga naman pag-ibig, mapaglaro kang tunay,
hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang tunay mong taglay,
sa mga taong nahuhumaling sa angking kulay,
pangpanandalian nga lamang ba ang lahat o panghabangbuhay?
Ako'y iyong nabulag kahit sa diskarteng sablay,
sa iyong pagpapatawa at ngiting nakamamatay,

ang pungay ng iyong mga mata'y pang-agaw buhay,
pesteng pag-ibig, ito ba talaga ang iyong pakay?
Linlangin, utuin, gaguhin at patayin,
makatapos ang lahat ng kaligayaha'y kikitilin,
unti-unting naupos, nagpalagay-bitin,
ang pulang kulay ng pag-ibig na ngayon ay kulay itim.
Hindi na dapat umasa sa taong katulad nya,
akala sa kanya makakamtan ang tunay na ligaya,
pinaikot, pinaglaruan sa mga palad nya,
pagkatapos gamitin, paasahin, pinagmukhang tanga.
O kelan darating at makakahanap ng lalaking matino,
na makapagpapaligaya't magpapatibok nitong pagal kong puso?
Nawalan ng pag-asa, lubhang ako'y pagod na,
dito sa laro ng pag-ibig at sa mga drama.
Tama na muna pag-ibig, ako sa iyo'y suko na.
January 16, 2007, finalized on January 23, 2007.
by: Niko Angelo B. Mendoza.

6 (na) komento:
gelo, are you in love?
wahahaha!
no. i'm not in love.
i just got reminded of the pain that the exes and former lovers gave me.
nice poem niko...
we need to experience pain for us to know what bliss is. as neale donald walsch said, everything is just one thing expressed in varying levels.
charing. hahahaha! missed ya, niko! loved the kayod entry. reminded me of our hometown. and btw...NO! You did not do a good job making kayod da coconat nat. daming brown noh. papaluin ka ng lola ko pag nakita nya yan. hahahaha! hugs and kisses!
thank you guys!
hihihihi.
oh yeah. i didn't do a good job with that coconut. hahaha. nagpipeel kaya yung meat from the bao. wierd nga eh. hahaha.
but i had fun makin kayod that coconut. hihihihi. ^_^
ouch! darn! :((
ganun ba?
haiiii..
Mag-post ng isang Komento